Binigyang diin ni Senadora Risa Hontiveros na dapat manatiling nakakulong si Tony Yang, ang kapatid ni Michael Yang na sangkot sa iba’t ibang mga ilegal na gawain sa bansa.
Ginawa ng senadora ang pahayag matapos makatanggap ng mga ulat na ilang opisyal umano ng Bureau of Immigration ang nagtatangkang isulong ang pagpapalaya kay Yang sa pamamagitan ng pagpipiyansa.
Giniit ni Hontiveros na maraming ebidensyang nagpapatunay nag pag-abuso ni Yang mga patakaran ng Pilipinas.
Bukod dito, may warrant of arrest rin ito mula sa China kaya hindi ito dapat hayaang makawala.
Kung kailangan aniya nito ng medical attention ay pwede naman siyang ipagamot pero dapat pa ring manatili sa kustodiya ng gobyerno.
Kasabay nito, nanawagan si Hontiveros sa Anti-money Laundering Council (AMLC) na bilisan ang imbestigasyon sa money laundering activities ni Tony Yang. | ulat ni Nimfa Asuncion