Nakatakdang muling magpatawag ang Senate Blue Ribbon Subcommittee, na pinamumunuan ni Senate Minority leader Koko Pimentel, ng pagdinig tungkol sa war on drugs sa susunod na taon.
Ayon kay Pimentel, hindi sila nakapagtakda ng hearing ngayong taon dahil walang kapangyarihan ang subcommittee na magpa-cite in contempt ng resource person.
Gayunpaman, inamyendahan na aniya ang rules ng Senado kaya dadalhin na rin ng subcommittee ang prerogative ng mother committee na magpa cite in contempt.
Dahil dito, tiniyak ng senador na Enero ng susunod na taon ay magpapatawag ulit siya ng pagdinig tungkol sa drug war ng gobyerno.
Tiniyak ni Pimentel na bubusisiin nila ng husto ang isyu lalo na sa sinasabing cash reward sa hanay ng PNP para sa mga mapapatay na drug suspects.| ulat ni Nimfa Asuncion