Senate Inquiry sa napapaulat na kaso ng sexual abuse sa mga kabataan, isinusulong ni Sen. Nancy Binay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaiimbestigahan ni Senador Nancy Binay sa kinauukulang ahensya ng gobyerno ang mga ulat na rape at iba pang acts of lasciviousness na ginagawa sa mga batang Pilipino.

Sa inihaing Senate Resolution 1237, nais ni Binay na magkaroon ng Senate Inquiry tungkol sa lumabas na balitang umabot sa 18,756 ang naitalang children’s rights violations noong 2023 batay sa record ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center.

Sa bilang na ito, nasa 17,304 ang mga kaso ng rape at acts of lasciviousness.

Lumabas rin sa naging pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa panukalang 2025 Budget ng Department of Justice (DOJ), sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may higit 500,000 na biktima ng incestuous rape at online sexual abuse o exploitation ng mga bata sa Pilipinas.

Sinabi ng senador sa resolusyon na dahil sa nakakaalarmang mga statistics ay posibleng may kailangang tugunang gaps sa pagpapatupad ng mga batas gaya ng RA 7610 at RA 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act.

Kailangan rin aniyang busisiin ang pagiging epektibo ng mga kasalukuyang programa at polisiya ng gobyerno tungkol sa pagpigil sa child abuse; sa pagpapanagot sa mga suspek; at pagbibigay suporta sa mga child victims. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us