Inaasahan ang malalakas na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa Shear Line at Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA.
Ngayong araw, maaaring makaranas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan (50-100 mm) sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.
Bukas, December 27, magdadala ng malalakas hanggang sa matitinding pag-ulan (100-200 mm) ang Shear Line sa Cagayan. Samantala, mararanasan ang katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan sa Apayao, Isabela, Southern Leyte, Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental.
Sa Sabado, December 28, magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan (50-100 mm) sa Cagayan, Isabela, Southern Leyte, Leyte, Eastern Samar, Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
Pinapayuhan ang publiko at ang mga lokal na pamahalaan na maghanda laban sa pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga bulubundukin at nakataas na lugar. Magbibigay ang PAGASA ng mga karagdagang abiso kung kinakailangan. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay