Sikat na tindahan ng kakanin sa Malabon, pinipilahan na ngayong bisperas ng Bagong Taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bandang alas-8 palang ng umaga, mahaba na ang pila sa kilalang tindahan ng kakanin sa Malabon na Dolor’s Kakanin.

Kilala ang naturang tindahan dahil sa bilao ng makulay na mga kakanin kasama ang sapin-sapin, kalamay ube, kalamay mais, kalamay kutsinta, cassava, at biko.

Ayon kay Tatay Narciso, nakasanayan na nila ang ganito kahabang pila sa tindahan tuwing bisperas ng Bagong Taon.

Wala naman daw problema sa kanya ang pumila dahil hindi pwedeng mawala sa kanilang Media Noche ang naturang kakanin.

Ilang taon na ring suki rito si Nanay Margie na naniniwala naman na dapat may malagkit at matamis na ihanda sa pagsalubong ng Bagong Taon para maging madikit ang suwerte at matamis ang pagsasama-sama ng pamilya sa 2025.

Nakadepende naman sa size ng bilao ang tinda rito na naglalaro sa ₱235 hanggang ₱1,200. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us