Plano ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ulitin ang matagumpay na operasyon nito, nitong pasko sa darating na bagong taon.
Ayon sa CAAP, matagumpay ang Christmas travel operations, kung saan tiniyak nila na makakaranas ang mga pasahero ng smooth at hassle-free na byahe habang nasa kasagsagan ng holiday season.
Dahil dito, paliwanag ng CAAP habang papalapit ang bagong taon ay mananatili silang nasa heightened alert para mapanatili ang safe at efficient airport services.
Ito ayon sa CAAP ay base narin sa direktiba ng Department of Transportation na Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2024.
Nakahanda na umano ang CAAP para sa tinatawag nitong second wave ng holiday travelers ngayong bagong taon. | ulat ni Lorenz Tanjoco