Pinasinayaan na ngayong araw ang Walang Gutom Kitchen Program ng Marcos administration.
Ito ay pangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naka base sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wakasan ang gutom sa bansa.
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, ipinatutupad sa Walang Gutom Kitchen ang isang lumang batas na naglalayong mabawasan ang mga nasasayang na pagkain ng bansa partikular sa mga restaurants, hotel at iba pa.
Paliwanag ng kalihim, na handang tumanggap ang Walang Gutom Kitchen ng mga pagkain mula sa kahit kaninong pribadong indibidwal o establisyimento.
Sa pamamgitan aniya nito ay magsisilbing food bank ang Walang Gutom Kitchen kung saan araw-araw magiging bukas kahit kanino hangga’t may pagkaing maaaring isilbi sa publiko. | ulat ni Lorenz Tanjoco