Sunog sa isang commercial bldg sa Cubao, kontrolado na — BFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara nang fire under control ang sitwasyon sa nasusunog na commercial building sa kanto ng Aurora Boulevard at EDSA sa Brgy. Socorro Cubao, Quezon City.

Natukoy ang gusali bilang ang dating ACT Theater na sinasabing may Ukayan at mga tindahan sa una at ikalawang palapag.

Halos dalawang oras ding pinagtulungan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng mga fire volunteer ang pag-apula ng sunog na iniakyat sa unang alarma kaninang 6:37 ng umaga.

May inisyal namang ulat na dalawang katao ang nilapatan ng first aid na isa ay nahirapang huminga habang isa ang sugatan.

Nakapanayam din ng RP1 team si Allen Calzado, tindera sa ukayan na nagulat daw sa biglaang paglaki ng usok. Kwento niya, may narinig silang pumutok sa gusali bago nagkasunog.

Ligtas namang nakalabas ang lahat ng empleyado ng Ukayan na naghahanda pa lang sanang magbukas ng tindahan.

Sa mga oras na ito, hindi pa rin pinapabalik ang mga residente mula sa Vivaldi Residences at mga nag-check in sa Eurotel na katabi lang ng nasusunog na gusali. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us