Tinaguriang “high value target” drug personality at isang drug dealer, nadakip sa Northern Samar at Ormoc City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nabuwag na ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Barangay Rawis, Laoang, Northern Samar.

Kasabay nito ang pagkaaresto sa isang high value target-regional priority target listed na si alyas Mark.

Sa ulat ng PDEA, umaga kahapon nang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Laoang Municipal Police Station at PDEA VIII- Northern Samar provincial Office.

Nakuha sa drug suspect ang illegal drugs na nagkakahalaga ng P23,800.

Kaninang madaling araw, nahuli din ng pulisya at PDEA agents ang isang drug dealer na si alyas Pamela sa Barangay Ipil Ormoc City.

Parehong nakakulong na si alyas Mark at Pamela habang inihahanda ang kaso dahil sa paglabag sa RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us