Toxic watchdog group, nagbabala sa pagbili ng skin whiteners na nagmula sa Pakistan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ng Ecowaste Coalition ang publiko sa paggamit ng dalawang hindi otorisadong facial creams na ipinuslit mula sa Pakistan.

Ayon sa toxic watchdog group, natuklasan na naglalaman ng mataas na konsentrasyon ng mercury ang skin whiteners.

Ang mercury ay isang mapanganib na kemikal na ipinagbabawal sa cosmetic products.

Kalat na ibinebenta sa Pasay City, ang parehong Aima Gold Beauty Cream at Zoya Gold Beauty Cream na kontaminado ng mercury.

Ang mga produkto ay walang pahintulot sa Food and Drug Administration (FDA) para ibenta sa merkado.

Nauna nang ibinunyag ng grupo sa FDA noong Abril 2024 ang iligal na pagberbenta ng Aima at Zoya, at tatlo pang Pakistan-made mercury-added products na Armena Gold Beauty Cream, Pure Pearl Beauty Cream, at Zartaaj Beauty Cream. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us