Nakapagpaabot na ng mahigit sa ₱26 million humanitarian aid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng pagsabog ng Mt. Kanlaon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, may kabuuang 18,881 kahon ng family food packs ang naipamahagi ng ahensya sa mga apektadong residente ng Region 6 (Western Visayas) at Region 7- (Central Visayas).
Nakapagbigay na rin ng mga non-food items tulad ng modular tents, family kits, kitchen kits, sleeping kits.
Batay sa huling tala ng DSWD-DROMIC, may kabuuang bilang na 10,784 families o 43,970 individuals ang naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Kanlaon.
Nasa 4,275 families o 13,688 internally displaced persons ang kasalukuyang nanunuluyan sa 27 evacuation centers sa Negros Island.| ulat ni Rey Ferrer