Umabot na sa ₱42.7-M ang halaga ng tulong na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na nakaranas ng epekto ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa DSWD, kabilang sa tulong na naipaabot sa mga apektadong pamilya ay ang mga family food packs (FFPs) at non-food items tulad ng family kits at sleeping kits, partikular sa mga nananatili sa evacuation centers.
Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, nasa higit 11,000 pamilya o 46,465 na indibidwal ang naapektuhan sa Western at Central Visayas.
Nananatili rin ang nasa 4,670 pang pamilya sa evacuation centers. | ulat ni Marry Ann Bastasa