Unang araw ng simbang gabi sa buong bansa, generally peaceful — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang naitalang kaguluhan sa unang araw ng tradisyunal na Simbang Gabi sa buong bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP)

Sa isang panayam, sinabi ni PNP Spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, bagama’t maraming deboto ang dumalo sa mga simbahan naging maayos at mapayapa ang unang araw ng Misa de Gallo.

Ayon kay Fajardo, mananatiling nakabantay ang mga pulis at magpapatuloy ang mga preventive patrol operation upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.

Lalo na sa mataong lugar tulad ng mga simbahan, pangunahing lansangan, at mga terminal ng transportasyon ngayong kapaskuhan.

Nilinaw din ni Fajardo na wala silang natatanggap na ano mang “serious o credible threat” na maaaring makaapekto sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, sinabi ni NCRPO Acting Chief Police Brigadier General Anthony Aberin, na mahigit 1,800 na pulis ang na-deploy sa mahigit 300 simbahan sa Metro Manila para sa unang araw ng simbang gabi. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us