Kinumpirma ng Department of Agriculture Regional Field Office 5 (DA RFO-5) ang unang kaso ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) H5N2 sa rehiyon. Natagpuan ang virus sa mga backyard ducks sa bayan ng Talisay, Camarines Norte.
Agad namang nagpatupad ng mga hakbang ang DA RFO-5 upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. Kabilang dito ang pagdepopulate ng mga apektadong itik sa Talisay at Vinzons, Camarines Norte. Nagpapatupad din ng mahigpit na pagbabantay sa mga lugar na malapit sa mga apektadong lugar upang maagapan ang anumang paglaganap ng virus.
Pinaalalahanan din ng DA ang publiko na huwag mag-alala dahil hindi naman naipapasa ang bird flu sa tao sa pamamagitan ng pagkain ng maayos na nilutong manok. Gayunpaman, hinihikayat ang lahat na bumili lamang ng manok na may Meat Inspection Certificate.
Pinayuhan din ang mga poultry raisers na palakasin ang mga biosecurity measures sa kanilang mga poultry farm upang maprotektahan ang kanilang mga alagang hayop. | Ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay