Inaabisuhan ng US Embassy sa Pilipinas ang publiko kaugnay ng intermittent technical issues na kasalukuyang nararanasan nito sa kanilang visa payment system.
Ayon sa embahada, ang mga aberyang ito ay maaaring makaapekto sa ilang aplikante ng kanilang visa.
Paalala ng Embahada, huwag nang magdagdag ng karagdagang bayad kung nakararanas ng delay o iba pang teknikal na problema kaugnay ng pagbabayad ng visa.
Sinisiguro naman ng embahada na ginagawa nila ang lahat ng hakbang upang maresolba ang isyung ito sa lalong madaling panahon.
Para sa mga katanungan o agarang pangangailangan, maaaring tumawag sa kanilang customer service center sa mga numerong nakalathala sa kanilang website o Facebook page.| ulat ni EJ Lazaro