‘Walang Gutom 2027 Food Stamp’ program, isinagawa sa Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ngayong araw ang “Walang Gutom 2027 Food Stamp Redemption” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Barangay 123 sa Moriones, Tondo sa Manila.

Ang programa ay isa sa mga flagship program ng administrasyong Marcos Jr.

Ayon sa DSWD, dalawang araw ang Food Stamp Redemption sa Tondo, kung saan aabot sa 1,350 ang mga benepisyaryong pamilya na dumaan sa beripikasyon.

Sila ay makakakuha ng aabot sa P6,000 halaga ng mga pagkain, kaya maituturing aniya na maagang Pamasko ito.

Sinabi ng DSWD na P3,000 kada buwan talaga ang ipinapasok sa Electronic Benefit Transfer (EBT) card ng mga benepisyaryo, pero naging P6,000 dahil na pagkakaroon ng kaunting delay na agad namang naayos.

Kabilang sa mga pagkain na maaasahan dito ay mga isda, karne ng baboy at manok, mga itlog, iba’t ibang mga gulay at prutas, at mga bigas, tinapay at iba pa.

Ayon kay Magsasaka outlet Representative Atty. Alger Cabatbat, ang mga produkto ay mula sa mga lokal na magsasaka at suppliers mula sa Kadiwa.

Dagdag pa ni Cabatbat, ang itinataguyod ng Food Stamp Program ay mga masusustansyang pagkain, kaya walang de-latang makukuha rito.

Una nang sinabi ng DSWD na layon ng ‘Walang Gutom Food Stamp’ program na matugunan ang kagutuman sa bansa. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us