Walang Gutom Kitchen, ilulunsad na ng DSWD ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang ilulunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw ang pinakabago nitong proyekto na nakalaan para sa mga mahihirap na Pilipino.

Ito ang Walang Gutom Kitchen na layong maghatid ng bio-psychosocial sevices para tugunan ang kagutuman at iba’t ibang pangangailangan ng mga walang tahanang indibidwal at pamilya.

Nakatakdang pangunahan nina First Lady Liza Araneta-Marcos at DSWD Secretary Rex Gatchalian ang paglulunsad ng Walang Gutom Kitchen kung saan gagamitin ang dating hub ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pasay na na-turnover na sa DSWD.

Kasama sa target na mga benepisyaryo sa programa ang mga pamilyang nasa lansangan at mga indibidwal sa ilalim ng Pag-abot Program at mga kwalipikadong benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP).

Katuwang naman sa programa ng DSWD ang ilan mga nangungunang pribadong korporasyon na nagbigay ng donasyon sa food bank ng programa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us