Mananatiling bukas ngayong holiday season ang Walang Gutom Kitchen ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magbigay ng libreng pagkain ngayong kapaskuhan.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, magpapatuloy ang operasyon ng Walang Gutom Kitchen ngayong bisperas ng pasko, Dec. 24 at sa Dec. 30 at 31 na parehong holiday.
Regular din ang operasyon sa December 26 hanggang 29.
Gayunman, ang kitchen ay magsasara sa December 25 at January 1, 2025.
Ayon sa DSWD, bukas ang Walang Gutom Kitchen sa lahat ng mga indibidwal at mga pamilyang nasa lansangan at nakararanas ng gutom.
Binigyang diin naman ni Asst. Secretary Dumlao na ang mga pagkain na inihahain sa Walang Gutom Kitchen ay malinis at masustansya.
“The food being provided are not “pagpag” or discarded foods, but fresh, healthy, and delicious meals,” sabi pa ni Asst. Secretary Dumlao. | ulat ni Merry Ann Bastasa