Pormal nang binuksan ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI) ng 19th Congress ang isa sa kanilang mga proyekto na Women and Children Protection Unit.
Pinangunahan nina AWLFI Chairperson, Representative Yedda Romualdez at AWLFI President, Representative Linabelle Villarica, kasama ang iba pang legislators ang pagpapasinaya sa kanilang landmark project sa Mandaluyong City.
Katuwang nila sa pagpapatayo nito ang National Center for Mental Health (NCMH).
Layon ng Women and Children Protection Unit na makapagbigay ng ligtas na lugar para sa mga vulnerable na kababaihan at kabataan na nangangailangan ng paghilom, suporta, at access sa mental health services.
Ayon pa kay Romualdez, ang protection unit na ito ay konkretong hakbang sa pagtiyak na ang mga nakaranas ng pang-aabuso ay may matatakbuhan para sa kanilang paghilom.
“Today marks a significant milestone in our advocacy to safeguard the rights and well-being of women and children. This Protection Unit is a concrete step towards ensuring that those who have suffered from abuse, neglect, or trauma have a place to heal and recover. No one should feel unsafe in their own country, and with this facility, we are sending a clear message that we are committed to protecting our most vulnerable populations,” sabi ni Rep. Romualdez.
Kasabay nito ay kaniya ring binigyang-diin ang kaahalagahan na maipatupad nang tama ang mga batas at makasabay ito sa nagbabagong panahon upang tunay na mabigyang proteksyon ang mga kababaihan at kabataan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes