₱40 kada kilong Kadiwa rice, ilalagay sa piling istasyon ng tren at palengke sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas inilapit pa ng Department of Agriculture (DA) ang bentahan ng murang bigas sa publiko sa pamamagitan ng “Rice-for-All” program.

Kasunod ito ng anunsyo ng DA na ₱40 na kada kilong bigas na ibebenta sa dalawang MRT at LRT stations at limang malalaking palengke sa Metro Manila.

Kabilang dito ang mga ss:
Guadalupe Public Market, Kamuning Market, Malabon Central Market, New Las Piñas City Public Market, at Pasay City Public Market.

Magkakaroon din ng bentahan sa MRT North Avenue Station at LRT 1 Monumento Station.

Paliwanag ni DA Consumer Affairs Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, sisimulan agad bukas, December 5 ang bentahan ng murang bigas.

Kailangan lang aniyang hanapin ang Kadiwa ng Pangulo rice kiosk na bukas mula amartes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us