In-house Job Fair ng Muntinlupa LGU, bubuksan ngayong araw

Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang mga residente nito na makiisa sa kanilang 𝐈𝐧-𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐏𝐄𝐒𝐎 𝐉𝐨𝐛 𝐅𝐚𝐢𝐫! Ayon sa LGU, bukas na ng alas-8 ng umaga ang nasabing job fair at tatagal hanggang alas-12 ng tanghali, sa Ground Floor, Annex Building ng Muntinlupa City Hall. Kabilang sa mga participating companies ang: Ang PESO In-House… Continue reading In-house Job Fair ng Muntinlupa LGU, bubuksan ngayong araw

Pag-imprenta ng digital National ID sa plastic cards, mahigpit na ipinagbabawal — PSA

Nagbabala ngayon ang Philippine Statistics Authority (PSA) laban sa mga nag-iimprenta ng Digital National ID sa Polyvinyl Chloride (PVC) o plastic cards. Sa isang pahayag, sinabi ng PSA na mahigpit itong ipinagbabawal at hindi ito tatanggapin bilang patunay ng pagkakakilanlan sa anumang transaksyon. Tanging ang PSA lamang ang awtorisadong mag-imprenta at mag-isyu ng National ID.… Continue reading Pag-imprenta ng digital National ID sa plastic cards, mahigpit na ipinagbabawal — PSA

Kampaniya kontra mga puslit na sigarilyo, pinaigting ng CIDG at BIR

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nasa halos ₱200 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo. Ito’y sa magkasunod na operasyong ikinasa ng mga awtoridad sa mga Lungsod ng Quezon at Caloocan kamakailan. Ayon… Continue reading Kampaniya kontra mga puslit na sigarilyo, pinaigting ng CIDG at BIR

Metro Manila, karatig lalawigan, patuloy na uulanin dahil sa habagat

Bagamat walang direktang epekto sa bansa ang bagyong Helen ay inaasahang patuloy na magpapaulan ang hanging habagat sa ilang bahagi ng bansa. Sa inilabas na Rainfall Advisory ng PAGASA, as of 8am ay inaasahan pa rin ang mahina hanggang katamtaman na minsan ay may kalakasang ulan sa Quezon, Batangas, Laguna, Cavite, Metro Manila, at Rizal.… Continue reading Metro Manila, karatig lalawigan, patuloy na uulanin dahil sa habagat

18 sa mga nabakunahang baboy, may antibodies na kontra ASF — DA

Nagkaroon ng positibong resulta ang ikinasang bakunahan kontra African Swine Fever (ASF) ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay DA Assistant Secretary for Swine and Poultry Constante Palabrica, lumabas sa pinakahuling blood sampling na 18 mula sa 41 baboy na nabakunahan ang may taglay nang 40% antibodies. Inaasahan pa ng DA na tataas hanggang 90%… Continue reading 18 sa mga nabakunahang baboy, may antibodies na kontra ASF — DA

DOLE-NCR, may ikakasang job fair sa displaced POGO workers sa Oktubre

Nakatutok na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa National Capital Region (NCR) sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho kasunod ng ban sa internet gaming licensees (IGLs), na dating tinaguriang Philippine offshore gaming operators (POGOs). Sa “Kapihan sa Bagong Pilipinas” forum, sinabi ni DOLE-National Capital Region Assistant Director Jude Thomas Trayvilla na nakapagsumite na… Continue reading DOLE-NCR, may ikakasang job fair sa displaced POGO workers sa Oktubre

Presyo ng Manok sa Agora Public Market sa San Juan, bumaba

Bumaba ang presyo ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, pumapalo na sa ₱215 hanggang ₱225 ang presyo ng kada kilo ng manok sa whole dressed at choice cuts. May kamahalan pa rin ang presyo ng karneng baboy kung saan, ₱300 ang kada kilo ng kasim, habang… Continue reading Presyo ng Manok sa Agora Public Market sa San Juan, bumaba

Imbentaryo ng bigas sa bansa, bahagyang bumaba — PSA

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa imbentaryo ng bigas sa bansa nitong Hulyo. Ayon sa PSA, naitala sa 1.87-milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of August 1, 2024. Mas mababa ito ng 14.2% mula noong nakaraang buwan na may 2.18-milyong metriko toneladang imbentaryo. Gayunman, katumbas ito ng 14.4%… Continue reading Imbentaryo ng bigas sa bansa, bahagyang bumaba — PSA

DILG Sec. Abalos, pinawi ang pangamba ng mga posibleng kinasal ni Alice Guo na mapawalang bisa ang kanilang pagsasama

Binigyang-linaw ngayon ni Department of the Interior and Local Governmen (DILG) Secretary Benhur Abalos na hindi basta-basta mapapawalang bisa ang pagsasama ng mga mag-asawang ikinasal ni dismissed Mayor Alice Guo. Matatandaan na isa ito sa mga isyu na inilapit ni 4Ps Party-list Representative JC Abalos sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa Budget deliberation sa Plenaryo.… Continue reading DILG Sec. Abalos, pinawi ang pangamba ng mga posibleng kinasal ni Alice Guo na mapawalang bisa ang kanilang pagsasama

Bagyong Helen, lalabas din ng PAR ngayong araw — PAGASA

Patuloy na kumikilos pahilagang kanluran sa Philippine Sea ang bagyong Helen. Sa 5am Weather Bulletin ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 1,150 kilometers east northeast ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 105 km/h. Nananatili itong malayo sa Philippine Landmass… Continue reading Bagyong Helen, lalabas din ng PAR ngayong araw — PAGASA