Mas malawak na Balikatan Exercise sa pagitan ng AFP at US Military, pinagpaplanuhan sa taong ito

Kasalukuyan nang pinagpaplanuhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo Pacific Command (USINDOPACOM) ang ika-39 na Balikatan Exercise, ang taunang pagsasanay militar ng dalawang pwersa. Sa pulong-balitaan sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na ang sabayang pagsasanay para sa taong ito na isasagawa sa Abril,… Continue reading Mas malawak na Balikatan Exercise sa pagitan ng AFP at US Military, pinagpaplanuhan sa taong ito

Pagkakaroon ng National Preventve Mechanism para matiyak ang makataong pagtrato sa mga detainees, isinusulong sa Senado

Pinapanukala sa Senado ang pagtatatag ng isang national preventive mechanism (NPM) na magiging attached agency ng Commission on Human Rights (CHR). Sa inihaing Senate Bill 2522 na inihain nina Senador Francis Tolentino at Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, pinaliwanag na ang NPM ang magiging tugon at pagsunod ng Pilipinas sa sinang-ayunan nating UN Optional Protocol… Continue reading Pagkakaroon ng National Preventve Mechanism para matiyak ang makataong pagtrato sa mga detainees, isinusulong sa Senado

Paggamit ng isang kumpanya sa student visa-to-work permit para sa makapanloko ng mga Pilipino, pinapaimbestigahan sa Senado

Pinapaimbestigahan ni Senate Committee on Migrant Workers chairman Senador Raffy Tulfo ang napapaulat na iligal na gawain ng Pinoy Care Visa Center (PCVC) at iba pang recruitment agencies na umaabuso sa student visa-to-work permit. Sa inihaing Senate Resolution 905 ni Rulfo, pinunto nito na base sa sumbong ng mga biktima ay pinag-apply sila student visa… Continue reading Paggamit ng isang kumpanya sa student visa-to-work permit para sa makapanloko ng mga Pilipino, pinapaimbestigahan sa Senado

Paraan ng pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon, isa sa mga tututukan ni Pangulong Marcos pagbalik sa Pilipinas

Inaalam na ng pamahalaan kung ano ang pinakamabuting paraan upang maipatupad ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna ng mga panawagan na mamagitan na banggaan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, kaugnay sa usapin ng People’s Initiative. Sa panayam sa media sa pagtatapos ng State Visit… Continue reading Paraan ng pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon, isa sa mga tututukan ni Pangulong Marcos pagbalik sa Pilipinas

Pag-update sa Philippine Medical Law, ipinapanukala ni Sen. Francis Tolentino

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino na maamyendahan ang batas ng Pilipinas tungkol sa larangan ng medisina. Sa inihaing Senate Bill 2519 ng senador, layong i-update ang Republic Act 2382 o ang Medical Act of 1959 para makasabay sa mga improvement at advancement sa Philippine healthcare industry. Kabilang sa mga pagbabagong nais pagtuunan ng pansin sa… Continue reading Pag-update sa Philippine Medical Law, ipinapanukala ni Sen. Francis Tolentino

Special Action and Intelligence Committee for Transportation, nagbabala sa mga driver ng bus carousel na magka-cutting trip

Nagbigay ng babala ang Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na titiketan nito ang mga driver ng bus carousel na magka-cutting trip. Ito ay sa isinagawang operasyon ng SAICT-Intelligence Monitoring and Evaluation Team sa Balintawak area sa Quezon City, ngayong araw. Tinatayang 21 mga driver ng bus carousel ang binalaan ng mga tauhan… Continue reading Special Action and Intelligence Committee for Transportation, nagbabala sa mga driver ng bus carousel na magka-cutting trip

SEC, inatasan ni Finance Sec. Ralph Recto na makipagtulungan sa BIR para ayusin ang record ng registered corporations

Pinulong ni Finance Secretary Ralph Recto ang Securities and Exchange Commission (SEC) management team para sa mga inisyatiba upang palakasin ang Philippine capital market. Hinimok ni Recto ang komisyon na makipagtulungan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa mas episyenteng data sharing, upang i-reconcile ang records ng mga registered corporation at palawakin ang tax… Continue reading SEC, inatasan ni Finance Sec. Ralph Recto na makipagtulungan sa BIR para ayusin ang record ng registered corporations

UN Special Rapporteur Irene Khan, nakipagpulong sa NCIP; Isyu ng human rights sa mga katutubo, napag-usapan

Nakipagpulong sa mga key official ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) si UN Special Rapporteur Irene Khan. Ayon kay NCIP Chairperson Jennifer Pia Sibug-Las, sumentro ang napag-usapan sa pulong kay Khan sa mga isyu ng karapatan sa kalayaan at karapatan sa pagpapahayag, at opinyon ng mga katutubo. Sinabi pa ni Sibug-las, na natanong din… Continue reading UN Special Rapporteur Irene Khan, nakipagpulong sa NCIP; Isyu ng human rights sa mga katutubo, napag-usapan

Mainit na diskusyon hinggil sa chacha, ‘di makakatulong sa isinusulong na Bagong Pilipinas campaign ng pamahalaan

Umaasa ang mga kongresista na matatapos na ang palitan ng maiinit na pahayag sa pagitan ng Kamara at Senado. Ayon kay Deputy Speaker David ‘Jayjay’ Suarez, ang patuloy na diskusyon sa pagitan ng dalawang kapulungan ay taliwas sa panawagang unity o pagkakaisa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinusulong na Bagong Pilipinas campaign. Naging… Continue reading Mainit na diskusyon hinggil sa chacha, ‘di makakatulong sa isinusulong na Bagong Pilipinas campaign ng pamahalaan

Digitalization, susi sa pagpapabuti ng railway system sa bansa – DOTr

Inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang digitalization at ang mga technology-driven innovation ang makatutulong upang mas mapabuti ang railway system sa Pilipinas. Ito ang sinabi ni Secretary Bautista sa isinagawang RAILDX 2024 forum. Ayon sa transport chief, prayoridad ng DOTr ang digitalization sa railway sector ng bansa at palakasin ang manpower nito sa… Continue reading Digitalization, susi sa pagpapabuti ng railway system sa bansa – DOTr