DOJ: Walang bisa ang counter-affidavit na isinumite ni dating Mayor Alice Guo

Iginiit ni Atty. Isser Josef Gatdula, Assistant City Prosecutor ng Department of Justice (DOJ), na walang bisa ang counter-affidavit na isinumite ni dating Mayor Alice Guo sa DOJ kaugnay ng kasong human trafficking. Sa pagdinig ng Senado ngayong araw, sinabi ni Gatdula na base sa rules ng ahensya, maaari lang ipanotaryo ng isang akusado ang… Continue reading DOJ: Walang bisa ang counter-affidavit na isinumite ni dating Mayor Alice Guo

DMW, nagbabala sa publiko laban sa mga online job scam

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko laban sa mga pekeng alok na trabaho sa ibang bansa na kumakalat sa mga Facebook group, social media platform, at iba pang website na nagpapanggap na mga lehitimong online job portal. Sa inilabas na Advisory 26 Series of 2024 ng DMW na nilagdaan ni Secretary Hans… Continue reading DMW, nagbabala sa publiko laban sa mga online job scam

Outstanding gov’t workers na bibigyan ng parangal, nakatakda na bukas – CSC

Photo courtesy of Civil Service Commission

Nakatakda nang bigyan ng parangal bukas ng Civil Service Commission (CSC) ang mga nanalo sa 2024 Search for Outstanding Government Workers. Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-124 Anibersaryo ng Philippine Civil Service. Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mangunguna sa aktibidad na gaganapin sa Palasyo… Continue reading Outstanding gov’t workers na bibigyan ng parangal, nakatakda na bukas – CSC

Deliberasyon at debate sa budget ng Office of the Ombudsman, mabilis na tinerminate ng plenaryo ng Kamara

Mabilis ang naging deliberation at debate ng House Plenary sa panukalang P5.8 billion proposed budget ng Office of the Ombudsman. Ayon kay Minority Leader Marcelino Libanan, malinaw na sa mga miyembro ng minorya ang trabaho at tungkulin ng Ombudsman. Sa sponsorhip speech ni Manila Congressman Benny Abante hinikayat nito ang kanyang kapwa mambabatas na suportahan… Continue reading Deliberasyon at debate sa budget ng Office of the Ombudsman, mabilis na tinerminate ng plenaryo ng Kamara

35 na OFWs nakaalis na patungong Kuwait, matapos alisin ang deployment ban

Matapos ang higit isang taon na deployment ban sa Kuwait, tuluyan nang nakaalis sa Pilipinas ang unang batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) na binubuo ng 35 domestic workers. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), sumailalim muna ang mga OFW sa masusing pre-departure briefings kung saan ipinaliwanag ang kanilang mga karapatan at responsibilidad… Continue reading 35 na OFWs nakaalis na patungong Kuwait, matapos alisin ang deployment ban

AFP Reservist Enlistment Event, ilulunsad sa San Juan City Hall

Ilulunsad ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Reservist Enlistment Event bukas. Layon nitong magbigay ng pagkakataon sa mga San Juaneño na magpatala bilang reservist sa AFP. Batay sa abiso ng San Juan LGU, ito ay isasagawa sa San Juan City Hall Atrium mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM… Continue reading AFP Reservist Enlistment Event, ilulunsad sa San Juan City Hall

Ambuklao at Binga Dam, binawasan na ang pagpapakawala ng tubig – PAGASA

Nilimitahan na ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga Dams sa Luzon ngayong hapon. Sa inilabas na ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, mula sa dalawang gate na binuksan sa Ambuklao Dam, isa na lamang ang naiwang bukas na may gate opening na 0.03 meters. Binawasan din ang gate opening ng Binga Dam sa 0.03… Continue reading Ambuklao at Binga Dam, binawasan na ang pagpapakawala ng tubig – PAGASA

DOF, nagpasalamat sa House Appropriations Committee sa pag-endorso ng P33.75-B na budget para sa taong 2025

Nagpasalamat si Finance Secretary Ralph Recto sa House Appropriations Committee sa pagendorso nito ng P33.75- billion para sa 2025 proposed budget. Ayon kay Recto prayoridad ng budget sa susunod na taon ang digitalization para sa episyenteng tax administration at public service. Aniya, ang budget taon-taon ng Department of Finance (DOF) ay sumasailalim sa strategic priorities… Continue reading DOF, nagpasalamat sa House Appropriations Committee sa pag-endorso ng P33.75-B na budget para sa taong 2025

Kinakasama ni Sual Mayor Calugay, pinapa-subpoena ng Senado

Pinapa-subpoena ng Senate Committee on Women ang kinakasama ni Sual, Pangasinan Mayor Liseldo ‘Dong’ Calugay na sinasabi ring nangangasiwa sa mga negosyo ng alkalde. Hindi naman pinangalanan sa public hearing ang kinakasama ni Calugay. Pinapa-subpoena rin ng Senate panel ang lahat ng mga dokumento kaugnay ng ginawang pagbebenta ng Happy Penguin Resort na pagmamay-ari ng… Continue reading Kinakasama ni Sual Mayor Calugay, pinapa-subpoena ng Senado

Pangulong Marcos, hindi “under the weather”; pagsusuot ng facemask, hindi dapat agad na binibigyan ng medikal na kahulugan — Sec. Herbosa

Hindi dapat agad na gumagawa ng konklusyon kaugnay sa karamdaman o kalusugan ng isang indibidwal na nakasuot ng facemask. Pahayag ito ni Health Secretary Ted Herbosa, makaraang makuhanan ng larawan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakasuot ng facemask sa sectoral meeting sa Malacañang nagyong araw, September 17. Paglilinaw ng kalihim, nakita niyang maayos… Continue reading Pangulong Marcos, hindi “under the weather”; pagsusuot ng facemask, hindi dapat agad na binibigyan ng medikal na kahulugan — Sec. Herbosa