Pangulong Marcos, hindi “under the weather”; pagsusuot ng facemask, hindi dapat agad na binibigyan ng medikal na kahulugan — Sec. Herbosa

Hindi dapat agad na gumagawa ng konklusyon kaugnay sa karamdaman o kalusugan ng isang indibidwal na nakasuot ng facemask. Pahayag ito ni Health Secretary Ted Herbosa, makaraang makuhanan ng larawan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakasuot ng facemask sa sectoral meeting sa Malacañang nagyong araw, September 17. Paglilinaw ng kalihim, nakita niyang maayos… Continue reading Pangulong Marcos, hindi “under the weather”; pagsusuot ng facemask, hindi dapat agad na binibigyan ng medikal na kahulugan — Sec. Herbosa

Kinaroroonan ng mga POGO boss at mga tumulong kay dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas, tinukoy ng PAOCC

Kasalukuyang nasa iba’t ibang lugar sa asya ang mga sinasabing ‘boss’ ng mga POGO at ang mga tumulong kay dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas. Sa pagdinig ng Senado, kinumpirma ni PAOCC chief Undersecretary Gilbert Cruz na si Huang Zhiyang – ang itinuturong ‘boss of all bosses’ ng mga POGO, ay nasa Hong… Continue reading Kinaroroonan ng mga POGO boss at mga tumulong kay dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas, tinukoy ng PAOCC

Isang dating hepe ng PNP, sinasabing sangkot sa operasyon ng mga POGO

Ibinahagi ng law enforcement agencies ng bansa na bineripika na nila ang iba’t ibang mga impormasyong umaabot sa intelligence community tungkol sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa POGO at tumulong kina dating Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas. Ito ay sa pag-uusisa ni Senate Committee on Women chairperson Senadora Risa Hontiveros tungkol… Continue reading Isang dating hepe ng PNP, sinasabing sangkot sa operasyon ng mga POGO

Iregularidad sa birth certificate ni Cassandra Ong, napuna sa Senado

Nasita ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang certificate of live birth ni Cassandra Li Ong, ang business associate nina dating Mayor Alice Guo at sinasabing kasintahan ng kapatid ng dating alkalde na si Wesley Guo. Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, sinabi ni Estrada na kwestiyunable ang mga detalye sa certificate of… Continue reading Iregularidad sa birth certificate ni Cassandra Ong, napuna sa Senado

DSWD at LANDBANK, magpa-partner sa cash aid distribution ng mga Field Offices ng ahensya

Makikipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development sa Land Bank of the Philippines para sa mas mabilis na pagbibigay ng cash assistance sa mga benepisyaryo. Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na di-sapat ang sasakyan sa ibang Field Office ng DSWD na magdadala ng pera para sa payout. Bukod pa rito ang peligrong dulot… Continue reading DSWD at LANDBANK, magpa-partner sa cash aid distribution ng mga Field Offices ng ahensya

Pangulong Marcos, inatasan ang DOH at iba pang tanggapan ng pamahalaan na palakasin ang immunization program para sa mga bata

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno na magtulungan, upang palakasin abg immunization program ng bansa, upang ma-protektahan ang mga bata laban sa iba’t ibang sakit, na maaari namang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna. “Iri-restore natin iyong dati nating immunization rate at i-strengthen natin… Continue reading Pangulong Marcos, inatasan ang DOH at iba pang tanggapan ng pamahalaan na palakasin ang immunization program para sa mga bata

DILG at PNP, nangakong tutulong sa Kamara sa paghahanap kay dating Sec. Roque

Siniguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na tutulong sila sa pag-execute ng contempt order laban kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque. Sa ambush interview kay DILG Secretary Benhur Abalos, sinabi nitong handa silang makipag-coordinate sa House of Representatives tungkol sa contempt order at pag-aresto kay Roque.… Continue reading DILG at PNP, nangakong tutulong sa Kamara sa paghahanap kay dating Sec. Roque

LRT-2, maghahandog ng 3 araw na libreng sakay para sa mga kawani ng gobyerno

Magbibigay ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng tatlong araw na libreng sakay sa LRT Line 2. Ito ay para sa mga kawani ng gobyerno bilang pagpupugay sa ika-124 na anibersaryo ng Philippine Civil Service. Batay sa abiso ng LRTA, maaaring i-avail ang libreng sakay mula September 18 hanggang 20 simula 7:00 AM hanggang 9:00… Continue reading LRT-2, maghahandog ng 3 araw na libreng sakay para sa mga kawani ng gobyerno

Digitalization ng learning resources sa basic education, target na matugunan ng DepEd at World Bank

Photo courtesy of Department of Education

Target ng Department of Education (DepEd) at World Bank na matugunan ang kakulangan sa learning resources sa basic education sa pamamagitan ng digitalization. Ito ang isa sa mga pangunahing tinalakay sa pulong ni Education Secretary Sonny Angara at mga matataas na opisyal ng World Bank Philippines. Bukod sa digitalization, tinalakay din ang early childhood development… Continue reading Digitalization ng learning resources sa basic education, target na matugunan ng DepEd at World Bank

DSWD, nagtalaga ng 219 personnel sa 166 ‘Malasakit Centers’ sa buong bansa

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapagpadala na ito ng 219 personnel sa may 166 Malasakit Centers sa iba’t ibang pampublikong ospital sa bansa. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang presensya ng social workers sa Malasakit Centers ay para matiyak na mabibigyan ng mabilis at maagap na serbisyong medikal ang… Continue reading DSWD, nagtalaga ng 219 personnel sa 166 ‘Malasakit Centers’ sa buong bansa