Karapatan at kapakanan ng mga OFW, tiniyak ng pamahalaan makaraang alisin na ng Kuwait ang deployment ban dito

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na paiigtingin pa nila ang pagbibigay proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait. Ito’y makaraang magpatuloy na muli ang pagpapadala ng mga Pilipino sa naturang bansa makaraang alisin na ng pamahalaan ng Kuwait ang deployment ban sa mga ito. Sa katunayan ayon… Continue reading Karapatan at kapakanan ng mga OFW, tiniyak ng pamahalaan makaraang alisin na ng Kuwait ang deployment ban dito

Tinaguriang “Angels of Death” ni Quiboloy, totoo at di haka-haka — PNP

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na totoo ang tinaguriang “Angels of Death” na siyang nagsisilbing Private Army ni Kingdom of Jesus Christ Leader, Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo kasunod ng mariing pagtanggi rito ng kampo ni Quiboloy. Una rito, sinabi ni Atty. Israelito Torreon,… Continue reading Tinaguriang “Angels of Death” ni Quiboloy, totoo at di haka-haka — PNP

DA, nakatutok na sa mga sakahang posibleng maapektuhan ng bagyong Gener

Nakaalerto na ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng epekto ng bagyong Gener sa sektor ng pagsasaka. Batay sa pinakahuling pagtaya ng DA, maaaring maapektuhan ng bagyo ang nasa 1.3 milyong ektarya ng standing crops sa CAR, Ilocos Region, Cagaya Valley, Central Luzon, at CALABARZON. Nasa isang milyong ektarya rito ay tanim na palay kung… Continue reading DA, nakatutok na sa mga sakahang posibleng maapektuhan ng bagyong Gener

Alert Level Alpha, nakataas sa ilang lalawigang posibleng maapektuhan ng bagyong Gener

Itinaas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha sa ilang lalawigan sa bansa dahil sa posibleng impact ng bagyong Gener. Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 55km/h at moderate to heavy rainfall ang mga… Continue reading Alert Level Alpha, nakataas sa ilang lalawigang posibleng maapektuhan ng bagyong Gener

Ilang bahagi ng Rizal at Metro Manila, nasa ilalim na rin ng Signal No. 1 dahil sa bagyong Gener

Nadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa bagyong Gener. Sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Alicia, Isabela. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55km/h malapit sa gitna at pagbugsong 70km/h. Kabilang sa mga… Continue reading Ilang bahagi ng Rizal at Metro Manila, nasa ilalim na rin ng Signal No. 1 dahil sa bagyong Gener

Valenzuela court, pumayag na dumalo si dating Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado bukas

Pinagbigyan ng Valenzuela Regional Trial Court Branch 282 ang hiling ni Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros na paharapin si dating Bamban Mayor Alice Guo sa pagdinig ng kanyang komite bukas tungkol sa operasyon ng mga iligal na POGO. Sa kautusang inilabas ng Valenzuela court, inatasan ni Judge Elena Amano ang Pambansang Pulisya na… Continue reading Valenzuela court, pumayag na dumalo si dating Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado bukas

Suporta ng Amerika, mahalaga sa sistema ng transportasyon sa bansa — DOTr

Nakikipagtulungan ang Department of Transportation (DOTr) sa Estados Unidos sa pagtukoy ng mga areas of cooperation upang mapagbuti pa ang sistema ng transportasyon sa bansa. Ito ang binigyang-diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista kasabay ng idinaos na DOTr-US coordination meeting. Kabilang sa mga tinalakay, ani Bautista, ay ang paghihigpit ng seguridad sa Ninoy Aquino International… Continue reading Suporta ng Amerika, mahalaga sa sistema ng transportasyon sa bansa — DOTr

NTF-ELCAC, nagbabala sa plano ng CPP-NPA na buhayin ang mga ‘salugpungan school’

Binalaan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang publiko sa plano ng CPP-NPA na muling buhayin ang mga “salugpungan” o “indigenous people’s schools” sa Davao Region. Ito’y matapos ibunyag ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na may aktibong kampanya ang CPP-NPA na palawakin ang kanilang presensya sa… Continue reading NTF-ELCAC, nagbabala sa plano ng CPP-NPA na buhayin ang mga ‘salugpungan school’

Medical assessment kay Quiboloy, natapos na ng PNP

Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na natapos na ng PNP ang medical assessment at evaluation kay Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy. Ayon kay Fajardo, isinagawa ito ng mga doktor mula sa PNP General Hospital noong Biyernes para isumite ang resulta sa korte. Matatandaang… Continue reading Medical assessment kay Quiboloy, natapos na ng PNP

Panukalang magdedeklara sa November 7 na working holiday bilang paggunita sa Sheikh Karim’ul Makhdum Day, lusot na sa Senado

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong ideklara ang November 7 ng bawat taon na special working holiday bilang paggunita sa Sheikh Karim’ul Makhdum Day. Ito ay bilang paggunita sa pagtatatag ng unang mosque sa Pilipinas at ang pagpapakilala ng Islam sa bansa. Sa panukala, nakasaad na bahagi… Continue reading Panukalang magdedeklara sa November 7 na working holiday bilang paggunita sa Sheikh Karim’ul Makhdum Day, lusot na sa Senado