Pagtaas sa Personnel Economic Relief Allowance, inaaral na ng DBM

Inaaral na ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) ang posibleng pagpapatupad ng umento sa kasalukuyang Personnel Economic Relief Allowance o PERA. Sa interpelasyon ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa pagsalang ng 2025 General Appropriations Bill sa plenaryo, tinukoy niya na mula 1991, inabot ng 18 taon bago madagdagan ang ₱500 na… Continue reading Pagtaas sa Personnel Economic Relief Allowance, inaaral na ng DBM

Mga barko ng China sa West Philippine Sea, nabawasan — AFP

Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nabawasan ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ito’y ayon sa datos ng AFP mula September 10 hanggang 16 ng taong kasalukuyan kung saan, humigit kumulang 50 mga barko ng China ang nabawas. Mula kasi sa dating 207 na naitala mula… Continue reading Mga barko ng China sa West Philippine Sea, nabawasan — AFP

Dating Bamban Mayor Alice Guo, muling dinala sa Senado para dumalo sa pagdinig ngayong araw

Ganap na alas-7:51 ng umaga nang muling lumabas ang coaster sakay si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame. Ito’y para sa muling pagdalo ni Guo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay sa pamamayagpag ng POGO sa bansa. Tulad ng mga nakalipas na biyahe, mahigpit ang latag… Continue reading Dating Bamban Mayor Alice Guo, muling dinala sa Senado para dumalo sa pagdinig ngayong araw

Bagong pumping stations at flood control facilities, bubuksan sa Malabon

Nakatakdang pasinayaan ngayong umaga ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang ilang bagong pumping station at flood control facilities sa lungsod. Kabilang dito ang Dulong Adante Pumping Station na matatagpuan sa Brgy. Tañong at Sto. Rosario II Pumping Station na nasa Brgy. Baritan. Bukod dito, ibibida rin ang rehabilitasyon ng ilan sa Drainage at Flood Control… Continue reading Bagong pumping stations at flood control facilities, bubuksan sa Malabon

Mga kawani ng gobyerno, 3 araw makakalibre ng sakay sa MRT-3

May alok na tatlong araw na libreng sakay ang MRT-3 para sa mga kawani ng pamahalaan simula bukas, September 18. Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service. Sa abiso ng DOTr-MRT, maaaring ma-avail ang libreng sakay sa buong oras ng operasyon ng tren hanggang sa Biyernes, September 20. Kinakailangan lamang na… Continue reading Mga kawani ng gobyerno, 3 araw makakalibre ng sakay sa MRT-3

Mga indibidwal na apektado ng bagyong Ferdie, Gener, at habagat, higit sa kalahating milyon na — DSWD

Sumampa na sa 133,000 pamilya o katumbas ng higit kalahating milyong indibidwal ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naapektuhan ng mga malalakas na pag-ulang dulot ng habagat, bagyong Ferdie at bagyong Gener. Mula ito sa higit 900 barangays na apektado sa 10 rehiyon sa bansa. Kaugnay nito, tumaas rin ang… Continue reading Mga indibidwal na apektado ng bagyong Ferdie, Gener, at habagat, higit sa kalahating milyon na — DSWD

PSA, inaaral na ang magiging epekto ng kanselasyon ng Filipino Birth Certificate ni Alice Guo sa mga sinolemnize na kasal bilang alkalde

Nasa proseso na ang Philippine Statistitics Authority (PSA) sa pagtukoy kung mayroon bang mga sinolemnize na kasal si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Sa pagsalang ng panukalang budget ng PSA sa plenaryo isa sa natanong ni 4Ps Party-list Representative JC Abalos ay kung may magiging epekto ba sa validity ng kasal na in-officiate ni… Continue reading PSA, inaaral na ang magiging epekto ng kanselasyon ng Filipino Birth Certificate ni Alice Guo sa mga sinolemnize na kasal bilang alkalde

Karapatan at kapakanan ng mga OFW, tiniyak ng pamahalaan makaraang alisin na ng Kuwait ang deployment ban dito

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na paiigtingin pa nila ang pagbibigay proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait. Ito’y makaraang magpatuloy na muli ang pagpapadala ng mga Pilipino sa naturang bansa makaraang alisin na ng pamahalaan ng Kuwait ang deployment ban sa mga ito. Sa katunayan ayon… Continue reading Karapatan at kapakanan ng mga OFW, tiniyak ng pamahalaan makaraang alisin na ng Kuwait ang deployment ban dito

Tinaguriang “Angels of Death” ni Quiboloy, totoo at di haka-haka — PNP

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na totoo ang tinaguriang “Angels of Death” na siyang nagsisilbing Private Army ni Kingdom of Jesus Christ Leader, Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo kasunod ng mariing pagtanggi rito ng kampo ni Quiboloy. Una rito, sinabi ni Atty. Israelito Torreon,… Continue reading Tinaguriang “Angels of Death” ni Quiboloy, totoo at di haka-haka — PNP

DA, nakatutok na sa mga sakahang posibleng maapektuhan ng bagyong Gener

Nakaalerto na ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng epekto ng bagyong Gener sa sektor ng pagsasaka. Batay sa pinakahuling pagtaya ng DA, maaaring maapektuhan ng bagyo ang nasa 1.3 milyong ektarya ng standing crops sa CAR, Ilocos Region, Cagaya Valley, Central Luzon, at CALABARZON. Nasa isang milyong ektarya rito ay tanim na palay kung… Continue reading DA, nakatutok na sa mga sakahang posibleng maapektuhan ng bagyong Gener