Pagtalakay sa panukalang pondo ng OVP, iniurong ngayong araw

Nagdesisyon ang Kamara na iurong ang Plenary deliberation para sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP) ngayong araw, September 24. Sa mosyon ni Deputy Majority Leader Marlyn Primicias-Agabas, inilipat ang schedule ng OVP ngayong Martes. Aniya, natapos na ng Kamara ang agenda para sa araw ng Lunes, September 23, maliban sa… Continue reading Pagtalakay sa panukalang pondo ng OVP, iniurong ngayong araw

Mga lumahok sa ikalawang araw ng tigil-pasada ngayong araw, nabawasan

Mag-aalas-8 ngayong umaga nang muling umarangkada ang tigil-pasada ng grupong MANIBELA sa Pasig City sa ikalawang araw nito. Pero kapansin-pansin na kumpara kahapon, mas kakaunti na ang lumahok ngayon sa pagtitipon ng grupo sa likod ng Pasig-Palengke. Ayon sa mga tsuper, pinili na ng ilan nilang kasamahan na bumiyahe dahil kailangang may maipanglaman sa kanilang… Continue reading Mga lumahok sa ikalawang araw ng tigil-pasada ngayong araw, nabawasan

Presyo ng imported na bigas, patuloy na bumababa

Patuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas partikular ng imported rice sa ilang pamilihan sa Metro Manila. Sa Muñoz Public Market sa Quezon City, bagamat may kamahalan pa, mayroon nang mabibiling ₱48 kada kilo habang ₱53 kada kilo naman ang pinakamahal depende sa klase. Ayon sa ilang tindera, bumaba na ng ₱2 hanggang ₱3 ang… Continue reading Presyo ng imported na bigas, patuloy na bumababa

Mga miyembro ng KOJC, di na sasali sa mga Maisug rally

Wala nang balak ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na lumahok sa mga rally ng grupong Maisug na humihingi ng pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  Sa isang pahayag, sinabi ni Mr. Marlon Acobo, Executive Minister ng KOJC, tututok na lamang sila sa evangilazation o pangangaral ng Salita ng Diyos.  Sa… Continue reading Mga miyembro ng KOJC, di na sasali sa mga Maisug rally

SSS, hinabol ang nasa mahigit ₱5-M utang ng mga negosyante sa Makati

Papalo sa mahigit limang milyong piso o ₱5.4-million ang halagang pinababayaran ng Social Security Sytem (SSS) sa nasa limang negosyante sa Lungsod ng Makati. Ayon sa SSS Makati branch apektado dito ang nasa mahigit 100 empleyado.  Paliwanag pa ng ahensya sa nasabing limang milyong piso, ₱3.8-milion dito ang principal habang aabot sa ₱1.6-million ang penalty… Continue reading SSS, hinabol ang nasa mahigit ₱5-M utang ng mga negosyante sa Makati

Web-based app na ‘Project RESOLVE,’ inilunsad ng DSWD sa Navotas

Sa layong mapabilis ang responde sa panahon ng kalamidad, inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Capital Region (NCR) ang Project RESOLVE o Response Engine for Systematic Operationalization of Logistics and Volunteers in Emergencies. Pinangunahan nina DSWD-NCR Regional Director Michael Joseph Lorico, at Navotas Mayor Johnrey Tiangco ang paglulunsad ng web-based… Continue reading Web-based app na ‘Project RESOLVE,’ inilunsad ng DSWD sa Navotas

Higit 28,000 pipe leaks, nakumpuni na ng Maynilad

Aabot na sa higit 28,000 tagas ng tubo ang nakumpuni ng West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa unang kalahati ng 2024. Ayon sa Maynilad, katumbas ito ng tinatayang 198 MLD (million liters of water) kada araw na na-recover sa unang bahagi ng taon. Sapat ito para matugunan ang pangangailangan ng 198,000… Continue reading Higit 28,000 pipe leaks, nakumpuni na ng Maynilad

PAGCOR Exec. Raul Villanueva, inaming ‘tsismis’ lang ang naging pahayag nito sa pagdinig ng Senado na isang dating PNP chief ay sangkot sa POGO — CIDG

Ibinunyag ni Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director, Police Maj. Gen. Leo Francisco na “tsismis” lang ang mga naging pahayag ni dating AFP General na ngayo’y PAGCOR Executive Raul Villanueva. Ito’y ayon kay Francisco kasunod ng naging pag-amin sa kaniya ni Villanueva matapos ang kanilang naging pag-uusap sa telepono. Sa… Continue reading PAGCOR Exec. Raul Villanueva, inaming ‘tsismis’ lang ang naging pahayag nito sa pagdinig ng Senado na isang dating PNP chief ay sangkot sa POGO — CIDG

Urgent motion ng kampo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na maibalik sa PNP Custodial Center, wala nang bisa

Wala nang bisa ang inihaing urgent motion ng kampo ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na maibalik sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP). Ito’y makaraang maglabas ang Pasig City Regional Trial Court Branch 167 ng paglilinaw sa nauna nitong desisyon na pumipigil sa paglilipat kay Guo sa kustodiya ng Bureau of Jail Management… Continue reading Urgent motion ng kampo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na maibalik sa PNP Custodial Center, wala nang bisa

Libreng sakay sa mga maaapektuhan ng ikalawang araw ng tigil-pasada sa Pasig City, tiniyak ng LGU

Nananatiling naka-standby ang mga sasakyan ng Pasig City Local Government Unit para magkaloob ng “Libreng Sakay” sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikalawang araw ng tigil-pasada ng mga grupong PISTON at MANIBELA ngayong araw. Ayon sa Pasig LGU, mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon lalo na sa mga lugar na pinagdarausan ng mga programa ng mga naturang… Continue reading Libreng sakay sa mga maaapektuhan ng ikalawang araw ng tigil-pasada sa Pasig City, tiniyak ng LGU