Mas agresibong kampanya sa pagsusuot ng seatbelt, itinutulak ng LTO

Paiigtingin ng Land Transportation Office (LTO) ngayong 2025 ang kampanya nito sa pagsusuot ng seatbelt bilang road safety measure. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, inatasan na nito ang lahat ng Regional Directors at District Office heads na gamitin ang social media para mapalawak ang information dissemination at mahikayat ang mas… Continue reading Mas agresibong kampanya sa pagsusuot ng seatbelt, itinutulak ng LTO

Pagpapatupad ng signal jamming sa Traslacion 2025, sa mismong araw pa malalaman — PNP

Hindi isinasantabi ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na magpatupad ng signal jamming sa mga mobile phone o cellphone sa mismong araw ng Traslacion 2025. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, ito’y nakadepende sa isasagawang threat assessment sa January 9. Kaya naman maaga pa lamang, hinihiling na ni… Continue reading Pagpapatupad ng signal jamming sa Traslacion 2025, sa mismong araw pa malalaman — PNP

Seguridad para sa Traslacion 2025, kasado na — PNP

All systems go na para sa Philippine National Police (PNP) ang latag ng seguridad para sa “Traslacion ng Poong Hesus Nazareno” para sa taong 2025. Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, humigit kumulang 12,000 mga pulis ang kanilang ipakakalat mula sa bahagi ng Quirino Grandstand hanggang sa ruta ng prusisyon patungong Basilika… Continue reading Seguridad para sa Traslacion 2025, kasado na — PNP

House Minority leader, nanawagan sa pamahalaan na magtatag ng panibagong prisoner transfer program para sa mga Pilipinong nakakulong sa ibayong dagat

Hinimok ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan ang pamahalaan na bumuo ng panibagong International Prisoner Transfer Program. Sa paraang ito, ang mga Pilipino na nahatulan sa ibang bansa, ay maaaring dito na sa Pilipinas ipagpatuloy ang pagsisilbi sa kanilang sentensya. Partikular na umapela si Libanan sa Department of Foreign Affairs (DFA),… Continue reading House Minority leader, nanawagan sa pamahalaan na magtatag ng panibagong prisoner transfer program para sa mga Pilipinong nakakulong sa ibayong dagat

DSWD, nagbigay ng tulong sa pamilya ng 3 menor de edad na nasawi sa sunog sa Tondo

Agad nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng tatlong batang nasawi matapos ma-trap na nasusunog na bahay sa Tondo, Maynila noong December 30. Sa pangunguna ng DSWD Field Office-National Capital Region (NCR), binigyan ang kaanak ng food subsidy at cash aid na nagkakahalaga ng ₱20,000. Ayon sa DSWD,… Continue reading DSWD, nagbigay ng tulong sa pamilya ng 3 menor de edad na nasawi sa sunog sa Tondo

House leader, nanawagan para sa dagdag na presensya ng Kapulisan sa Pampanga sa gitna ng banta ng karahasan

Umapela si Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales Jr. kay Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil na paigtingin ang presensya ng Kapulisan sa kanilang lalawigan. Kasunod ito ng mga pagbabanta ng karahasan, partikular sa kaniyang nasasakupan. Idinulog ni Gonzales kay Marbil ang natanggap na death threat ng kapitan… Continue reading House leader, nanawagan para sa dagdag na presensya ng Kapulisan sa Pampanga sa gitna ng banta ng karahasan