Bigtime oil price hike, epektibo na ngayong araw

Malakihang oil price hike ang sumalubong sa ikalawang linggo ng Enero 2025. Ito’y ayon sa inilabas na abiso ng iba’t ibang kumpanya ng langis kung saan sa diesel aabot sa ₱1.40 kada litro ang itinaas ng presyo nito. Habang sa gasolina at kerosene ay piso naman sa kada litro ang itinaas. Matatandaang sinabi na ng… Continue reading Bigtime oil price hike, epektibo na ngayong araw

Turismo ng bansa, isa nang haligi ng ekonomiya ng Pilipinas — DOT

Inanunsyo ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco na ang Philippine tourism sector ngayon ay nagawa nang maging isang mahalagang haligi ng ekonomiya ng bansa. Paliwanag ng kalihim, ito ay bunsod ng all-time high tourism revenue na nasa ₱760 billion nitong 2024. Ayon sa datos ng ahensya, ang nasabing bilyong halagang kita ng… Continue reading Turismo ng bansa, isa nang haligi ng ekonomiya ng Pilipinas — DOT

Benefit package na covered na mga sakit ng PhilHealth ngayong taon, nagsitaas lahat ng 50%

Nagtaasan lahat ang benefit package para sa lahat ng sakit na saklaw ng PhilHealth. Sa Bagong Pilpinas Ngayon, sinabi ni PhilHealth Finance Senior Vice President Dr. Israel Francis Pargas na kabilang na dito ang para sa kidney transplant na dating nasa ₱600,000 coverage, ngayon ay nasa ₱800,000 hanggang ₱2-million na. Ang Angioplasty, dagdag ni Pargas,… Continue reading Benefit package na covered na mga sakit ng PhilHealth ngayong taon, nagsitaas lahat ng 50%

Sulit rice, malapit nang mabili sa Kadiwa ng Pangulo sites — DA

Malapit nang makabili ang publiko ng mas mura pang bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo centers. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., isinasapinal na ang opisyal na rollout ng Sulit Rice program kung saan ibebenta ang tinawag na ‘Sulit Rice’ na “100% broken” at magkakahalaga lang ng ₱36 kada kilo. Sa ngayon, ongoing na… Continue reading Sulit rice, malapit nang mabili sa Kadiwa ng Pangulo sites — DA

Bicolano solon, malamig sa mungkahi ng isang dating senador na ipagpaliban muna ang mga DPWH projects hanggang sa matapos ang eleksyon

Hindi pabor si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa mungkahi ni dating Senador Franklin Drilon na ipagpaliban muna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang implementasyon ng ilang proyekto hanggang matapos ang eleksyon, para iwas politika. Ani Villafuerte, maaapektuhan nito ang mga mahahalagang proyekto lalo na ang mga pagsasa-ayos ng mga imprastraktura na… Continue reading Bicolano solon, malamig sa mungkahi ng isang dating senador na ipagpaliban muna ang mga DPWH projects hanggang sa matapos ang eleksyon

DENR, pinatutugunan sa LGUs ang mga natambak na basura matapos ang holiday season

Pinaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng LGU sa kanilang obligasyon sa tamang disposal ng mga naiwang basura mula nitong holiday season. Kasunod ito ng ilang mga ulat na nagkalat pa rin ang tambak na basura sa ilang lugar sa Metro Manila. Sa isang pahayag, tinukoy ng DENR ang umiiral… Continue reading DENR, pinatutugunan sa LGUs ang mga natambak na basura matapos ang holiday season

Paniningil ng franchise tax mula NGCP, sisilipin ng Kamara

Isang briefing ang ipinatawag ngayong araw ng House Ways and Means Committee tungkol sa sinisingil na franchise tax mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, tagapangulo ng komite, partikular nilang nais masilip ang implementasyon ng ERC Resolution No. 10 series of 2023. Dito, hindi maaaring ipasa ng… Continue reading Paniningil ng franchise tax mula NGCP, sisilipin ng Kamara

Tricycle driver na nangaladkad ng pusa sa isang viral video, ipinatawag ng LTO

Inisyuhan na ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari ng tricycle na sangkot sa viral video na kinakaladkad ang isang pusa sa Malasiqui, Pangasinan. Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na ang nakarehistrong may-ari ng tricycle na may plakang 206-WLY, ay ang… Continue reading Tricycle driver na nangaladkad ng pusa sa isang viral video, ipinatawag ng LTO