Patay ang isang preso habang dalawang iba pa ang sugatan sa pananaksak sa New Bilibid Prison.
Sa report ni NBP Acting Superintendent, Corrections Chief Inspector Roger Boncales, nangyari ito kaninang 7:15 AM sa Gate 1-A, Quadrant 4 ng Maximum Security Camp.
Tumanggi muna ang Bureau of Corrections na ilabas ang pangalan ng mga preso hangga’t hindi pa naiimpormahan ang kani-kanilang pamilya.
Para mapigilan ang iba pang kahalintulad na gulo o insidente, inatasan na ng Bucor ang lahat ng superintendent ng Operating and Prison Farms na magkasa ng istriktong precautionary measures sa binabantayan nilang piitan.
Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang mitsa ng pananaksak. | ulat ni Lorenz Tanjoco