Binigyan ng orientation at actual demonstration ang 10 mga magsasaka tungkol sa wastong paggamit at pag-iingat ng iba’t ibang mga agricultural machinery na ipinagkaloob ng Department of Agriculture Region-9 (DA-9), sa ilalim ng Special Area for Agricultural Development o SAAD Program Phase 2.
Ang mga kasangkapang ipinagkaloob ng DA-SAAD sa kanilang mga benepisyaryong magsasaka ay ang grass cutter at power sprayer.
Ang tinuruang mga magsasaka ay mula sa walong farmers’ associations (FAs) na nakinabang sa crop-based livelihood projects ng DA Region-9.
Ang mga benepisyaryo ay ang Kilusang Pagbabago Kabatan Farmers’ Association sa bayan ng Vincenzo Sagun, Eastern Poblacion Farmers’ Association sa bayan ng Sominot, Cabaluran Banana Planters Association sa bayan ng Midsalip, at Rural Improvement Club sa bayan ng Lakewood sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ang nalalabing apat ay ang Pasorio Farmers’ Association sa bayan ng Mutia at Sipaon Farmers’ Association sa bayan ng Rizal, Zamboanga del Norte; at Israel Farmers’ Association sa bayan ng Imelda at Bagong Silang Farmers’ Association sa bayan naman ng Mabuhay sa Zamboanga Sibugay. | ulat ni Lesty Cubol, Radyo Pilipinas Zamboanga
DA-SAAD Regional Office-9