Kampante si DILG Secretary Jonvic Remulla na maaresto anumang araw ngayong linggo ang lahat ng akusado sa ₱6.7-billion drug haul sa Manila noong Oktubre 2022.
Ito’y matapos bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng “Task Force 29” para hanapin ang 29 na pulis na inisyuhan na ng warrant para sa kasong kriminal.
Bukod dito, may 41 pang police personnel ang makakasuhan din dahil sa insidente ng droga.
Nakatakda nang isampa ng Department of Justice (DOJ) ang non-bailable offenses dahil sa pakikipagsabwatan sa mga sangkot na pulis.
Binigyang-diin pa ng kalihim na kanilang hahabulin ang mga “rogue cops” na sumisira sa magandang imahe ng 225,000-strong police force sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer