2.9% December inflation outturn, welcome sa BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inflation outturn ng buwan ng Disyembre na nasa 2.9 percent.

Ayon sa BSP, pasok ito sa kanilang target range na 2.3% hanggang 3.1 percent.

Ang pinakahuling datos ng inflation ay tumutugma sa pagtataya ng BSP, na mananatali itong nakatuon sa target range sa mahabang panahon ng polisiya.

Gayunpaman, nananatiling may mga panganib na maaaring magdulot ng pagtaas sa pamasahe sa transportasyon at singil sa kuryente.

Samantala, ang epekto ng mas mababang taripa sa pag-aangkat ng bigas ang pangunahing magpapababa sa panganib sa inflation.

Tiniyak naman ng BSP, na magpapatuloy ang Monetary Board sa maingat na pag aangkop ng monetary policy upang matiyak ang katatagan ng presyo sa napapanataling paglago ng ekonomiya at trabaho. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us