Nakapagtala na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng dalawang fire incidents o sunog na dulot ng paputok sa pagpasok ng 2025.
Ayon sa BFP, nasa kabuuang 36 na firecracker related fire incidents ang naiulat noong 2024 na mas mababa kumpara sa 43 kaso noong 2023.
Sa analysis naman ng BFP, kwitis ang nangungunang responsable sa mga naitatalang sunog na dulot ng paputok.
80% ng fire incidents ang naitala dahil sa mga sinindihang sky rocket o kwitis.
Sinundan ito ng baby rocket, piccolo, fountain at pati na ang sintoron ni hudas. | ulat ni Merry Ann Bastasa