3 Pinay surrogate moms mula sa Cambodia, nananatili pa sa pagkalinga ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pang kinakalinga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlo pang Pinay surrogate mothers mula sa Cambodia.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mas pinili muna ng tatlong Pinay na mamalagi sa residential facilities sa halip na ma-reintegrate sa kani-kanilang pamilya.

Sabi pa ng kalihim, ang mga social workers at case managers ang umaasiste at tumutulong sa tatlong surrogate mothers upang matiyak na sila ay mentally, emotionally, and physically prepared bago ang reintegration.

Bilang tugon naman sa tanong sa posibilidad na ipaampon ang anak ng mga surrogate mothers, sinabi ng Kalihim na kung ano ang nararapat gawin para sa kapakanan ng mga bata ay gagawin ng DSWD.

Kabuuang 13 surrogate mothers ang kabilang sa 24 foreign women ang inaresto ng Cambodian police sa Kandal province noong Setyembre 2024 sa kasong attempted cross-border human trafficking.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us