Titiyakin ng Manila Police District (MPD) na magiging payapa ang isasagawang Peace Rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand Maynila ngayong araw.
Ayon kay MPD Spokesperson Major Philip Inis, magde-deploy sila ng 3,000 pulis sa buong Maynila para tiyakin na magiging maayos at payapa ang magiging aktibidad ng INC.
Hindi lamang daw sa Quirino Grandstand ang magiging area of Concern ng MPD kundi sa iba pang lugar ng Maynila.
Nagpaalala naman ang MPD sa mga lalahok na sundin ang mga patakaran na ipatutupad ng mga organizers ng rally. | ulat ni Mike Rogas