37 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling nakaalerto ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros matapos makapagtala ng mataas na lebel ng mga pagyanig o volcanic earthquakes.

Batay sa update ng PHIVOLCS, umabot sa 37 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24-oras.

Nagpapatuloy rin ang makapal at walang patid na pagsingaw sa bulkan na umabot ng 500 metro ang taas.

Habang nasa 3,639 tonelada rin ang inilabas nitong sulfur dioxide flux.

Sa ngayon, nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us