Umabot sa higit apat na milyong indigent senior citizens at mga tumuntong sa centenarian ang tumanggap ng social pension at centenarian incentives sa taong 2024.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mula enero hanggang nitong nobyembre ng 2024 ay nasa 4.2-M mahihieap na senior ang tumanggap ng kanilang buwanang pension.
Nagbigay rin ang kagawaran ang tig-P100,000 cash grant sa 1,750 centenarians na katumbas ng 99.43% ng annual target sa ilalim ng centenarian program.
Kaugnay nito, epektibo ngayong enero ay inilipat na sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang pagpapatupad ng batas na para sa benepisyo ng mga nakatatanda
Kabilang dito ang Republic Act 10868 o ang Centenarian Act of 2016 at Republic Act 11982 o Expanded Centenarian Act. | ulat ni Merry Ann Bastasa