5 milyong mahihirap na Pilipino, nakatanggap ng tulong mula sa AKAP program ng DSWD noong 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa halos limang milyong near-poor na mga Pilipino ang natulungan ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mula Enero hanggang Disyembre 2024.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, umabot sa 99.31% ang utilization rate ng programa kung saan nagamit ang P26.1 bilyon mula sa kabuuang P26.7 bilyong pondo nito.

Ang AKAP ay nagbibigay ng P5,000 cash assistance sa mga pamilyang may mababang kita.

Kabilang sa mga tulong sa ilalim ng programa ang medical, funeral, food, at cash relief assistance.

Tiniyak naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na hindi magagamit ang pondo ng AKAP sa pulitika, kasunod ng mga ulat na maaaring gamitin ito para sa eleksyon sa 2025.

Ayon kay Gatchalian, masusing sinusuri ng mga social worker ang bawat aplikante upang matiyak na kwalipikado ang mga makikinabang dito. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us