50% increase sa benefit packages ng PhilHealth, welcome sa isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang hakbang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na itaas sa 50% ang benefit packages nito sa ilang karamdaman.

Aniya, ang pagtaas na ito sa heart ailments, new outpatient emergency care benefit package, preventive oral health services sa primary care, at Z benefit packages para sa kidney transplantation at peritoneal dialysis ay long overdue na.

Umaasa naman ang mambabatas na mapalawak pa ito ng PhilHealth, at gawing accross the board ang taas sa benefit package.

Payo pa ng kinatawan, na gawing New Year’s resolution sana ng ahensya na huwag nang maulit ang pagkakamali sa hindi maayos na paggamit sa bilyong pisong halaga ng healthcare benefits, upang hindi na mauwi sa zero subsidy. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us