50 indibidwal, sugatan sa karambola ng tatlong bus sa Balintawak Carousel Station

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sugatan ang nasa 50 indibidwal matapos magkarambola ang tatlong bus sa Balintawak Carousel Station Southbound kaninang 12:22 PM.

Batay ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nawalan ng preno ang Jell bus na bumangga sa Admiral bus. Dahil dito, tumama rin ang Admiral bus sa kasunod na Kellen bus.

Agad na rumesponde ang MMDA at mga ambulansya ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon City upang dalhin sa ospital ang mga nasugatan.

Ilan sa kanila ay isinugod sa Quezon City General Hospital para mabigyan ng agarang lunas.

Dalawa ang nagtamo ng malalang sugat—ang driver ng isang bus at isang pasahero na tumama sa concrete barier.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng towing at clearing operations ang tauhan ng MMDA.

Nakararanas din ng mabigat na trapiko sa bahagi ng EDSA Balintawak Southbound.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang mga posibleng pananagutan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us