Ipinagmalaki ni Finance Secretary Ralph Recto ang natamong 3.2 percent unemployment rate para sa buwan ng Nobyembre 2024.
Ito na ang pangalawang pinakamababang naitalang unemployment rate simula 2023.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng naitalang 49.5 million na mga Pilipino na may trabaho, mas mataas sa 48.2 million noong Oktubre 2024.
Ayon kay Recto, ang lalong gumaganda at lumalakas na labor market ng bansa ay testamento ng pagsisikap ng gobyerno na hindi lang mas maraming trabaho bagkus kalidad na trabaho para sa mga Pilipino.
Aniya, dahil sa patuloy na pagbaba ng inflation rate at paglago ng ekonomiya, inaasahan na mas maraming magbubukas na oportunidad sa ating mga kababayan.
Tiniyak ng kalihim, na hindi titigil ang Marcos Jr. Administration na pagandahin ang economic landscape at buhay ng mga mamamayan.
Dagdag nito, gamit ang iba’t ibang istratehiya upang masustine ang masiglang labor market ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes