Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sila dapat isama sa panukalang rightsizing ng gobyerno.
Sa ginawang consultative meeting sa Senado, na pinangunahan ni Senate President Chiz Escudero, ipinahayag ni Department of National Defense (DND) Undersecretary Angelito de Leon na masyadong dynamic ang AFP para isali ito sa rightsizing.
Pinaliwanag ni De Leon na ito rin ang dahilan kaya base sa Executive Order 292 ay nasa secretary ng National Defense ang desisyon sa pagtukoy ng laki at istruktura ng AFP.
Kung isasali aniya ito sa batas ay maaaring hindi makaresponde ng tama ang Sandatahang Lakas.
Pero giniit ni Escudero na ibibigay sa Pangulo ang kapangyarihan na bumuo ng mga bagong opisina o mga posisyon para matugunan ang kasalukuyan at hinaharap na pangangailangan ng bansa pagdating sa external security. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion