Hinimok ng Philippine Navy ang mga mangingisda na ipagpatuloy ang pagmamasid sa ating karagatan.
Ito ay matapos na marekober ng mga mangingisda ang submarine drone sa baybayin ng San Pascual, Masbate.
Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang mga mangingisda ay mahalagang bahagi ng Coastal And Maritime Domain Awareness.
Sinabi rin ni Trinidad, na scientific approach ang ginagawang pagsusuri sa drone. Hindi rin umano sapat ang mga marka sa drone upang matukoy ang pinagmulan nito.
Binigyang-diin ni Trinidad, na kailangang may sapat na ebidensya upang mapatunayan ang pinagmulan nito at hindi lamang haka-haka. | ulat ni Diane Lear