Sinagot ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paratang ng kampo ng hinihinalang Chinese Spy na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan.
Ito’y makaraang lumutang sa isang pulong balitaan sa Quezon City ang umano’y misis ng dayuhan para itanggi na espiya ito at iginiit na empleyado ng isang self-driving car company ang mister.
Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, iginagalang naman nila ang emosyunal na mga pahayag ng misis ng suspek
Pero nanindigan si Padilla na hindi nagsisinungaling ang mga nakuhang ebidensya lalo’t napatunayan ito sa mga kuhang larawan ng mga kampo militar at pulisya gayundin ang iba pang vital installations sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala