AFP, tiniyak na may kakayahan ang bansa para makaiwas sa ‘cyber intrusion’ gaya ng hacking

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may sapat na proteksyon ang bansa laban sa ‘cyber intrusion’ gaya ng hacking.

Ito ay kasunod ng mga ulat na umano’y nanakaw ng mga hacker mula sa China ang mga datos mula sa tanggapan ng Pangulo at militar ng Pilipinas.

Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Padilla, pinaiigting ng AFP ang cyber security defenses at koordinasyon sa mga allied partner at ahensya ng pamahalaan.

Aniya, patuloy nilang pinalalakas ang kakayahan ng militar sa pagtukoy at pag-iwas sa mga banta sa cyber domain.

“In the past months, we have activated our cyber command. Kasama na din dyan in tandem with our intelligence command. We are looking at all of this and it’s a given na nandyan yung mga threats in the cyber domain. What is important is that we are able to detect and deter these attacks,” ani Padilla.

Idinagdag ni Padilla na isinama na rin ang cyber security sa balikatan exercises ng AFP, bilang bahagi ng mas makabagong diskarte laban sa mga hamon ng teknolohiya. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us