Amyenda sa Accessibility Law, panawagan ng isang party-list solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panahon nang amyendahan ang Batas Pambansa Bilang 344 o yung Accessibility Law.

Giit ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes, isa sa mga isusulong niyang panukala ngayong 2025 ay ang pagpapalawig sa sakop ng Accessibility Law para maisama na rin ang mga senior citizen, mga kabataan, may mga espesyal na pangangailangan, at LGBTQIA community.

Habang wala pa naman aniya ang batas na ito, hinimok ni Ordanes ang mga kinuukulang ahensya na amyendahan ngayon ang implementing rules and regulations (IRR) ng kasakuluyang umiiral na batas, para maisama ang iba pang bahagi ng ating komunidad.

Isa sa halimbawa niya ay ang access sa palikuran para sa LGBTQIA community.

Sabi pa ng kinatawan, na sa pagrepaso ng IRR ay maisama rin ang mga bagong ahensya ng pamahalaan na dati ay wala pa nang mapagtibay ang Accessibility Law, gaya ng National Commission of Senior Citizens. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us