Benefit package na covered na mga sakit ng PhilHealth ngayong taon, nagsitaas lahat ng 50%

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtaasan lahat ang benefit package para sa lahat ng sakit na saklaw ng PhilHealth.

Sa Bagong Pilpinas Ngayon, sinabi ni PhilHealth Finance Senior Vice President Dr. Israel Francis Pargas na kabilang na dito ang para sa kidney transplant na dating nasa ₱600,000 coverage, ngayon ay nasa ₱800,000 hanggang ₱2-million na.

Ang Angioplasty, dagdag ni Pargas, na dating nasa ₱30,000 ang benefit ay nasa ₱530,000 na ngayon.

Paglilinaw ni Pargas, ang dalawang nabanggit na benefit packages ay hiwalay sa benepisyo sa kabuuan na may dagdag na 50% para sa taong ito.

Dagdag ng PhilHealth official na may bago na ding alok silang benepisyo na kanilang tinawag na emergency care package na kung saan ay covered na din ang babayaran sa emergency cases. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us