Bentahan ng murang bigas sa NIA Central Office, muling magbubukas sa Jan. 10

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ngayon ang National Irrigation Administration (NIA) na sa susunod na Biyernes pa o sa January 10, 2025 muling magbubukas ang Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice store sa KADIWA ng Pangulo sa NIA Central Office.

Paliwanag ng ahensya, ito ay para bigyang-daan ang pagsasagawa ng stock inventory ng mga bigas.

Sa ilalim ng programang BBM Rice, patuloy na iniaalok ng NIA ang murang bigas na ₱29 kada kilo sa mga senior citizen, solo parents, persons with special needs, at mga miyembro ng 4Ps.

Una nang iniulat ng NIA na sumampa na sa higit isang milyong kilo ng bigas ang naibenta nito sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice.

Sumasalamin naman aniya ito sa malaking kontribusyon ng programa para makapaghatid ng mas murang bigas sa mga mahihirap na Pilipino. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us