Bentahan ng ₱29 kada kilong bigas, aarangkada na muli sa NIA Central Office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik na ang bentahan ng murang bigas sa National Irrigation Administration (NIA) Central Office ngayong araw.

Sa abiso ng NIA, 2,000 bags ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice ang muling ibebenta sa abot-kayang halaga na ₱29 kada kilo, pati na rin sariwang gulay, prutas, at iba pang produktong lokal mula sa ating mga magsasaka.

Bukas ang bentahan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa DCIEC Parking Area, NIA Central Office

Kaugnay nito, nagpaalala ang NIA na ang BBM Rice ay eksklusibo lamang para sa mga senior citizens, solo parents, PWDs, at 4Ps beneficiaries (isang bag bawat kwalipikado). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us